At The Medical City, we put you on center stage because you are co- responsible in your journey to health.
As our health partner, we would like you to be aware of your RIGHTS and RESPONSIBILITIES.
Sa Medical City, ikaw ay ang sentro ng aming mga gawain dahil ikaw ay kabisig namin sa iyong paglakbay
tungo sa iyong kalusugan. Bilang aming partner, nais naming mamulat ka sa iyong mga karapatan at
responsibilidad.
As a patient of The Medical City, you have the right, consistent with Philippine laws:
Bilang pasyente ng The Medical City, ikaw ay may karapatan na naayon sa batas ng Pilipinas na:
Your rights as a patient in a manner and language that you understand.
ang iyong mga karapatan bilang pasyente sa wika na iyong naiintindihan.
The names and departments of the doctors and staff who will be involved in your care in the hospital.
ang mga pangalan at departamento ng mga manggagamot at kawani na magkakalinga sa iyo habang ikaw ay nasa ospital.
The nature of your illness, its likely causes, manifestations, and course.
ang uri, sanhi, mga pinapakita, at kahihinatnan ng iyong karamdaman.
The treatments proposed to you, its benefits, side effects, potential risks, and costs.
ang lahat ng mga pamamaraang gagamitin sa paglunas ng karamdaman mo, ang mga benepisyo, posibleng komplikasyon at kaukulang kabayaran nito.
Other treatment options relevant to your condition, including the option to withhold treatment, and the consequences of taking such options.
ang iba pang mga alternatibong pamamaraan ng paglunas sa karamdamam mo, kasama ang hindi pagpapagamot at ang magiging resulta ng mga ito.
Free from discrimination as to ethnic origin, religion, gender, disability, sexual orientation, and socioeconomic status.
walang pinipiling lahi, relihiyon, kasarian, kapansanan, oryentasyong sekswal o antas ng pamumuhay sa lipunan.
Delivered with respect, consideration, and compassion in a clean and safe environment free of unnecessary restraint.
may paggalang, mapang-unawa at ibinibigay sa isang malinis, malaya, at ligtas na kapaligiran.
Appropriate to your medical condition and consistent with the terms of your informed consent, your decisions, preferences, and values.
naayon sa iyong pangangailangang pangkalusugan at kaalinsabay ng iyong pahintulot, mga desisyon at kagustuhan,at pagpapahalaga.
Given in a timely manner whenever you need it.
maagap sa iyong pangangailangan.
To be advised of, participate in, or refuse to take part in any medical research; receive full information on the purposes and procedures of the research; and be assured that your refusal will not compromise your care.
Mapagpayuhan, makibahagi, makatanggap ng buong impormasyon sa mga layuninat pamamaraan ng pananaliksik, at tumangging makibahagi sa pananaliksik at mabigyan ng kasiguraduhan na ang iyong pagtanggi ay 'di makaapekto sa iyong kalusugan.
To privacy while in the hospital and confidentiality of all information and records regarding your care.
Mapangalagaan ang iyong pribasiya at pagiging kumpidensyal ng mga inpormasyon at talaan tungkol sa iyong kalusugan.
To participate in all decisions about your treatment and discharge from the hospital.
Makibahagi sa lahat ng mga desisyon tungkol sa iyong pagpapagamot at paglabas mula sa ospital.
To seek a second opinion and other referrals within or outside the institution, withoutfear of compromise on the care andservices you will receive.
Humingi ng pangalawang opinyon mula sa ibang doktor, taga TMC man o hindi, nang hindi mangangamba na mababawasan o maiiba ang pangangalaga at serbisyo na matatanggap mula sa ospital.
To complain without fear of reprisals about the care and services you are receiving and to have the hospital respond to you.
Walang takot na mailahad ang mga reklamo ukol sa iyong tinatanggap na pangangalaga at serbisyo at mabigyan ng karampatang tugon ng ospital.
To authorize those family members and other individuals who will be given priority to visit consistent with your abilitytoreceivevisitorsandpertinent hospitalpolicies.
Mapahintulutan ang kapamilya at iba pang tao na bumisita sa iyo nang ayon sa iyong kakayahang tumanggap ng bisita at sa patakaran ng ospital.
To be informed of the policies and procedures on organ donation and transplantation.
Malaman ang mga proseso at mga alituntunin tungkol sa boluntaryong pagbibigay (donasyon) at transplantasyon ng mga kalamnan at tisyu.
As a patient of The Medical City, you have the following responsibilities:
At gayun din naman, bilang isang pasyente ng The Medical City, ikaw ay may mga tungkulin na:
Magbigay ng buo at totoong impormasyon tungkol sa iyong kalusugan, mga pamamalagi sa ospital, mga operasyon, at mga allergies pati na ang gamot na dati at kasalukuyang ginagamit, at iba pang uri ng pagpapagamot.
Kilalanin ang mga doktor, nars, at iba pang kawani ng ospital na nangangalaga sa iyong kalusugan.
Makibahagi sa pagpapasya ukol sa iyong kalusugan.
Magtanong ukol sa tunay na kalagayan ng iyong karamdaman, mga posibleng lunas, komplikasyon, benepisyo, mga panganib, at kabayaran.
Magtanong kapag hindi malinaw sa iyo ang mga impormasyon o mga dapat gawing itinuro sa iyo.
Sabihin sa mga tagapagkalinga kung sakaling may problema ka sa pagsunod sa napagkasunduang plano ng gamutan ng iyong karamdaman.
Sundin ang mga patakaran ng ospital na makakaapekto sa pangangalaga, seguridad, at kilos ng mga pasyente.
Isaalang-alang at igalang ang mga karapatan ng ibang pasyente at mga kawani ng ospital kasama ang mga panuntunan tungkol sa ingay, paninigarilyo, at pagtanggap ng panauhin.
Maagap na bayaran ang lahat ng hospital bills ayon sa mga patakaran ng ospital.
Kilalanin ang iyong mga nakaugalian at mga desisyon sa iyong pamumuhay na may malaking epekto sa iyong kalusugan, para makagawa ka nang mas responsableng desisyon sa iyong buhay.